Friday, November 29, 2013

Gusto kong umiyak ng umiyak ng umiyak. Nung sinabi mo yon sakin, hindi ko napigilan yung feels ko deep inside. Hindi naman talaga ako yung taong umiiyak sa harap ng tao. Kadalasan tinatago ko, halimbawa pupunta sa banyo ng magisa tapos iiyak sa cubicle (nakuha ko lang sa movies tapos ginaya ko oh m g) o iiyak sa gabi kapag tulog na yung lahat. Pero yung kanina, iba eh. Hindi ko yon napigilan. Yun yung oras na hindi naman sobrang laki nung dinadamdam ko pero dahil sa sinabi nya, nagrush na pati yung ibang mga stress at dinadamdam ko these past days kaya iyak lang ako ng iyak. Nung una nagwawater lang yung mata ko, tapos pinikit ko tapos di na ko makabukas kasi basang basa na mata ko ngluha. Tapos nagecho yung mga sinabi nya sa utak ko ng paulit ulit at the more na kinakausap nya ko at naalala ko yung sinabi nya, lalo akong naiiyak. Naalaala ko lahat ng paghihirap ko kay Chen, lahat ng feels, lahat ng sleepless nights - na nasabihang waste of time lang. Gustong gusto kong ipabasa sayo to dahil hindi mo alam kung gano kasakit nung ginawa mo. Tapos nung pinilit kong maging okay para sa sarili ko at nung kinausap kita gaya ng normal kong pakikipagusap sayo, parang nalimutan mo na lahat. 

No comments:

Post a Comment