Simula pa nung una, napaka-pa hard to get ko na. Hahaha. Naalala ko nung una akong magkacrush ng ~legit~ talaga, nung grade 4 ako, as in palagi talaga akong tumatambay sa harap ng room nung crush kong grade 6. Tapos hindi ako nahihiya kahit literal na lahat ng mga kaklase ko kilala sya (kahit di nya sila kilala hehe) tapos sinisigaw yung pangalan nya in public dahil ~crush ko daw sya~. Mga ganun. Pero December 10, 2009 (???) pagkatapos ng PE namin, tumambay ulit ako sa malapit sa room nila kasama yung kaibigan kong si Ramon, tapos may narinig akong “psst” sa likod ko. Sya pala yun kasama nung kaibigan nya. Take note: never kaming nagusap sa tinagal tagal ng school year. So yung “psst” nyang ganun ay sobrang big deal na sakin. Hindi ko pinansin at medyo tinaasan ko pa ng kilay dahil ganun ako ka-weird sa mga crush ko.... kahit na obvious namang hayok na hayok ako kasi araw araw ko syang gustong lapitan. Tapos tumambay kami sa may eskinita na palagi naming tinatambayan. Pagkatapos ng ilang segundo, andun na din si crush, nakatingin sakin at nakangiti. Naglakad papunta sakin at tumayo sa harap ko. Ayos, dream come true. Pero ang ginawa ko...... tumingin sa kanya ng masama sabay pagtataray nang “Tayo na nga, Ramon! Ayoko na dito!”.
Hindi ko alam kung anong reaksyon nya dahil sobrang nagpanic ako at umalis agad. Pagkalayo, tsaka ako nagkombulsyon at hindi makapaniwalang nginitian ako ng crush kong never akong napansin sa tanan ng buhay ko.
Hindi ko alam kung anong pinagmumulan ko sa topic na to. Anyway, nasa phase na naman ako kung saan hindi ko ma-figure out yung buhay ko?????? Sa mga susunod na araw, ang daming pangyayaring magaganap dahil ang dami naming kakantahan plus birthday ko na (wtf naman di ako ready) tapos meron pang plano yung Dwegsters na EK celebration na deep inside tinatamad akong gawin dahil wala akong panglibre sa kanila plus tatlo lang kami so malamang may isang magi-isa sa mga seats at malamang ako yun. Medyo gusto kong magdasal na sana hindi na yun matuloy pero !!meley me megwerk!! Matagal tagal na din akong hindi nakakaranas ng outrageous event sa buhay ko.
Ang dami kong gustong gawin pero tamad na tamad ako. Tulad ng pagsend ng letter at pictures sa mga hosts ko sa europe. Speaking of europe, may tour yung Madrigal Singers ngayon at ang saya saya tignan ng mga pictures nila lalo na ni Riva at ni JC. Ang perfect siguro ng pakiramdam. Nasa europe ka at kasama mo yung mahal mo!!!!!!! Buset ang saya nun tapos parehas nyong makikilala yung mga european so hindi nakakapressure???? I don’t know minsan kasi nakakapressure kapag hindi mo feel yung ka-buddy mo.
Anyway ulit, iritang irita ako kasi inaasar ako ni mommy at pinipilit nya kong aminin na may boyfriend na ko.... pero in real life wala naman talaga!! Kahit manliligaw nga wala e. Kung alam nya lang kung gaano ako ka-douchebag.... (di ko po talaga alam yung meaning ng douchebag)
Pero minsan talaga nae-excite ako tumanda para makilala ko na yung soulmate ko. Tapos excited na ko kasi feeling ko gwapo sya kasi syempre hindi naman ako magkakagusto sa puchu lang <<kasi ang ganda ko eh grabe!!! charot>>. Nitong mga nakaraan nga napapanaginipan ko yung crush ko sa simbahan tapos kilig na kilig daw ako kasi for the first time nagkatinginan na kami sa ~peace be with you~ tapos parehas daw kaming kinilig. Nung isang gabi naman, nanaginip akong ang ganda ko daw tapos tinabihan ko daw sa table yung crush ko na yun sa harap ng family nya at family ko tapos sabi ng tatay nya “wow buti pa sila ang saya saya ng lovelife” tapos ang saya kasi habang tulog ako nun pinapalabas si Arnold Clavio sa TV tapos sabi nya “wow buti pa sila ang saya saya ng lovelife”. Hanggang sa nagpaalam daw ako tapos hinanap pa daw ako ni crush at hinabol habol nya ko like he can’t let go of me daw!! Meganoin
So nagtutweet din ako lately na sana sya na lang yung soulmate ko. Pero syempre hindi pa kami pwedeng magkatuluyan ngayon dahil hindi pa ko ready. Ang pangit pangit ko pa at ang dami ko pang tagyawat at ang hairy ko pa........ aasa na lang ako na magbabago pa itsura ko after 10 years...... at naway wala pa syang asawa after 10 years
So ano na nga bang nangyari dun sa crush ko sa choir na ~bading~ pala? Minsan napapanaginipan ko pa din sya. Pero medyo matagal tagal na din akong nagsimulang mag move on at so far feeling ko legit na talaga tong pagmu-move on na to. Madalas, sa rehearsal, naiirita na ko sa kanya hindi dahil ~hindi nya ko crush~ pero sadyang irritating lang sya. Tsaka natatanggap ko na hindi nya talaga ako type at may forever talaga sa kanilang dalawa nung jowa nyang 14 years ang tanda sa kanya. <<<oh my gash pano pag nabasa nila to>>>
Madalas feeling ko kaya hindi ako nagu-grow bilang tao at bilang babae dahil palagi na lang ako magisa. Madalas hindi ko talaga alam sasabihin ko. Dati, pangarap ko talaga na pumunta sa isang museum tapos tumitig sa isang napakagandang painting tapos may lalapit sakin na lalaki tapos sasabihin nya sakin “Ang interesting nya, no?” tapos magsisimula na ang love story namin. Pero lately inimagine ko sya ulit tapos narealize ko na kapag nangyari sya sa totoong buhay, hindi ko pala talaga alam sasabihin ko. Siguro magna-nod lang ako tapos hindi ko na sya papansinin.
Most of the time, hindi ko talaga alam sasabihin ko. Like, palagi akong nagiisip at palagi kong kinakausap sarili ko sa isip ko pero pag may legit na tao na sa harapan ko, madalas isang tanong isang sagot lang ako. Kaya hindi talaga ako sumasagot sa tawag na hindi emergency o kaya tumatawag nang hindi emergency. Mga ganun.
Yung nasa taas na kwento, yun nga pala yung dahilan kung bakit mahalaga sakin yung December 10. Nung December 10, 2010 naman, naalala ko tinignan ako nung crush kong grade 6 ulit mula sa service nila. Nung December 10, 2011.... nakalimutan ko na. 5 na kasi yung crush kong grade 6 nun e. Bale favorite ko yung number 10 dahil feeling ko lucky number ko sya.
May thunderstorm ngayon sa lugar namin.
Ayun lang. Manonood muna ako ng tothe9s.
No comments:
Post a Comment