At first, ikaw yung unang napansin namin ni bessy nung naghahanap kami ng gwapo sa room. Oo, nagwapuhan talaga ako sayo simula pa nung una. Pero I didn't mind you cause you're tiny. De joke lang, makatiny eh no. Ang liit mo kasing nilalang. Kahit sino ang tatanungin, kahit kasing bolera pa yan ng nanay ko o ano, hindi talaga tayo bagay. Ayokong mag-assume o ipagpilitan pang bagay tayo dahil magmumukha lang akong tanga.I am fcking done with those things you know!!! AHAHAHA de charot lang ulit, I'm too dramatic. Wow english yon, sosyal ba? No? Okay.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon para sa iyo. Alam kong crush lang ito. Pero bakit palagi kitang naiisip? Hindi na naalis sa isipan ko yung mga motibong pinakita mo sa akin e. Feeling ko kasi meron ka ding feelings para sa akin. Napakakapal ng mukha ko diba? Alam mo bang ikaw palagi yung dahilan kung bakit nagsesearch ako sa google ng "know if a guy likes you"? Lahat naman kasi ng nakalagay don, ginawa mo din sa akin eh. Pero ang gulo mo kasi. Hindi kita magets. Malandi ka. Assuming ako. Feeling ko oo pero naiisip kong baka isa lang ako sa mga balak mong lokohin. Baka isa lang ako sa mga balak mong paasahin. Baka masyado ko lang talaga binibigyan ng meaning yung mga bagay na pinapakita mo sakin. Nakakapagod din intindihin you know? Nakakapagod maguluhan kung ano ba gagawin mo: aasa o hindi?
Gusto kong sabihin mo sa akin na gusto mo din ako. Na matagal mo na akong gusto. Na ako lang yung sineseryoso mo sa lahat ng niloko mo. Na hindi ka na makatulog sa kakaisip sa akin. Na sobrang namimiss mo ako, at hindi mo kayang hindi ako makita.
Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako. Siguro kasi hindi naman ako sigurado kung crush mo nga din ako. Ayoko kasing masaktan. Sino bang gusto diba?
Gusto ko lang malaman mo na crush kita. Kahit hindi tayo bagay, kahit na malandi ka, kahit na hindi ako sure dito, kahit napakaliit mo, kahit na ang korni mo minsan, kahit na ang pangit mo sa mga wacky, kahit na madaming naiinis sa pagiging playboy mo, kahit sabi nila mayabang ka, kahit nakakaselos yang kalandian mo, crush pa din kita. Tandaan mo yan.
Patuloy na umaasa sa iyong pagmamahal (ew what did i say),
Chloe
No comments:
Post a Comment