Saturday, April 7, 2012

Self-esteem.

Self-esteem.

Hindi ko alam kung bakit iyan ang title nitong post na ito. Siguro dahil sa, gusto ko lang yung pronunciation nitong word.


Anyway, hindi ko alam kung bakit ang baba ng self-esteem ko. Yung tipong ayaw kong lumalabas ng bahay kasi feeling ko ang pangit ko. De joke lang, over naman nun. Alam ko namang maganda ako eh. Well, kailangan kong isipin yun dahil gawa ako ng Diyos. Pero wala eh, may mga oras talaga na nanlulumo ako sa harap ng salamin. Kahit sabihin nilang maganda ako, may mga bagay talaga sa utak kong kumukontra para maniwala ako. Paano ba naman?
Hindi matangos ang ilong ko. Alam ko kung anong tawag sa pagiging “hindi matangos” pero ayoko lang sabihin kasi masakit. Siguro kung matangos lang ilong ko, kahit saang anggulo, kahit anong klaseng wacky pose, kahit gaano kabungisngis ang tawa ko, kahit patungan ko pa ng isang daang shades ang ilong ko, MAGANDA PA DIN AKO. Yun nga lang hindi matangos ilong ko.
Masyado akong matangkad. Sabi nila maganda daw yun. Madaming naiinggit sa aming matatangkad. Pero iba yung sakin eh. SOBRA. Sakit lang. Hindi ako makapag-reblog ng mga post na “penge height” kasi sobra sobra height ko. Walang nagkakagusto sakin kasi magmumukha akong nanay nila. Kung pwede ko lang idonate ang height ko, kahit buong barangay pa yung manghingi, bibigyan ko.
Mataba ako. Buti sana kung matangkad lang yung sasabihin ng mga tao kapag nakita nila ako eh. Pero yung feeling na sinabi mo yung age mo sa iba tapos mashashock sila, ang unang lalabas sa bibig nila, “ANG LAKI MO O_O” Okay, alam nyo yon. Iba ang “Tangkad” sa “Laki”.
Hindi ako ganon kaputi. Mahirap pumili ng damit kapag maitim ka. Okay ayoko ng ipagpatuloy to dahil nakakaiyak ang aking buhay.
Madami akong pimples. Yung tipong puro tigyawat na lang yung makikita mo sa mukha ko. Wala ng space. Take note: favorite spot nila ang ilong kong dambuhala.


Mahaba haba na din ito. At syempre wala naman kayong care sa akin kasi hindi nyo naman ako kilala. Sige babye.

No comments:

Post a Comment