Napanood ko yung performance nyo kanina. Tupangina nyo ang hot nyo grabe. Isa yon sa mga favorite kong performance kasi wala lang, umuulan eh, tapos paulit ulit mo pang inaano yung kamay mo sa buhok mong basa. Nakasleeveless ka pa, alam mo naman kung gaano kalakas ng impact non sakin, ang sexy mo tignan. Ang ganda ng arms mo, ang puti, laki ng muscles. Tupangina ikaw ba magbibirthday ha bakit ba kita pinupuri. Pero ang perfect mo talaga eh, sobrang perfect mo lalo na kanina. Ang sarap mo tignan sumayaw. Nagiimprove ka, sobra. Nakakaproud pa yung banner ng mga chen biased na nafocused kanina. Ang laki. Nakita mo ba yon? Hahaha sana nakita mo. Sayang hindi ako nakacontribute don or what, wala nga akong nakocontribute sa mga fanbase eh. Hahahaha. Siguro tili lang or pagmamahal. Ayi. Wala lang. Saya mo siguro kanina no, tupa, sobrang daming banners kanina, ang lalaki! Padami na ng padami yung fans mo! Proud ako sayo, sobra :”) Iniimprove mo lahat, kitang kita naman kanina, halata na talagang dancer ka. Hahaha. Pagpatuloy mo lang yang best mo, wag ka padadaig sa ibang members! Para sakin ikaw ang the best!
Balita ko ang dami nyong schedule bukas. Tapos ngayon pauwi na naman kayo Korea. Jongdae, wag kayo masyadong magpapapagod ah? I mean, okay, hindi naman maiiwasan yung pagod eh, lalo na sa trabaho nyo. Pero wag mo masyadong iistress sarili mo. Ugh, wala kasi ako dyan eh, kung andyan ako tutulungan ko talaga kayo to the max. Sasama ko din mga kaibigan ko tapos magiging julalay nyo kami, ayos lang samin kahit walang bayad. Pero basta, nakakaworry kasi, baka magkasakit kayo or maglagnat kasi ang lakas ng ulan kanina tapos nagperform pa kayo ng over over. Mukha ngang hiningal ka kanina nung wolf eh hahahaha okay lang yan. Ang cute mo naman. Si Tao din kanina, nagslip yung isang leg pagkatapos nung part nya. Buti hindi natuluyang dapa talaga or what. Thank You padin Lord. Uhm, alagaan nyo sarili nyo. Alagaan mo yang boses mo, omg baka magkasipon ka or magkaubo katulad ko. Kaya mo yan, Chen! Kayo nyo yan :)
Anyway, may pinapanood nga pala akong movie. Actually napanood ko lang to sa Starmovies nung isang umaga. Naattract lang kasi ako sa part na sumakto nung pinanood ko. Naalala kita don eh. 16 years yung age gap nila pero still working. Sana ganon din tayo. I just realized na 8 years isn’t that long. Pwede pa to. Hahaha.
I love you Jongdae! Stay strong!
No comments:
Post a Comment