Sabi ni jillian, sya lang daw fan mo. Wala pa daw syang nakikitang totoong chen biased sa fanbase mo dito sa pilipinas. Syempre naoffend ako don. Hindi man ako sobrang active sa chensation, fan mo pa din naman ako diba? Pangarap nga kita eh :( Oras oras ikaw naiisip ko. I mean, hindi ko alam kung obsession ba to or what, pero fan mo ako eh. Tapos sasabihin ni jillian na sya lang yung totoong chen biased. Bakit ganon :(
Nung una hindi naman ako nababother kay Jillian. Hanggang sa nabasa ko yung mga comments sa status ni Jillian, dun sa sinabi nyang yon. Sabi ng mga kaibigan ni jillian na fan ng ibang member, mahal mo daw sya. Lalo na kapag nalaman mo na lahat ng mga makikita mo na suporta para sayo kapag pumunta ka dito sa pilipinas, galing daw sa kanya. Yung fanbase, yung projects. Hindi man ganon kasuccessful, at least andon yung efforts ni Jillian. Ako, ano bang nagawa ko na para sayo? Hindi ako bumibili ng album noon, tinatamad ako magipon, bawal ako bumili. Hindi ako nagpaparticipate sa mga projects kasi baka hindi mo naman matanggap or what. Hindi ako kasing yaman ng iba. Hindi ako pumunta sa mga gathering. Wala akong ibang sobrang close na fangirl. Bronze lang naafford ko nung concert. Isaw lang handa ko nung birthday mo last year. Hanggang blog spot lang ako nung birthday mo. Hindi mo pa feel. Hindi ako sikat na fangirl. Hindi ako maganda. Ang korni ko. Ang bopols ko. Ang tamad ko. Ang loner ko. Walang special sakin. Pero love naman kita eh. Hindi mo alam kung gano ka kahalaga sa akin. Kung ilang beses sa isang araw kita kinikwento sa mga kaibigan ko. Kung gano kadalas kita naiisip. Kung gano mo ko naapektuhan, tipong isang tingin ko lang sa mga pictures mo wala na pagod ko. Kung gano ako naiinspire, lumalakas sa mga ginagawa mo.
Ang daming better fangirls dyan. Sorry kung wala akong kwenta. Kung ang dami kong kulang. Sorry, palagi na lang akong nagsosorry sayo.
Pati nga to di mo makikita eh. Hanggang dito lang kasi ako.
Hay
Jongdae
:(
No comments:
Post a Comment