Wala. Nagtatampo lang ako sa mga magulang ko minsan. Lalo na sa tatay ko. And it feels like I am being annoyed by him every single day. I don't really want to feel this because I love him, but there are those times that I'm being filled with anger and I can't even remember what "love" for him means.
Nagaway kami ng ate ko kagabi. Inis na inis ako sa kanya. I became very calm in everything I did, because I did not want to give a tear for a very immature thing. Wala lang. Wala na syang magawa sa bahay kundi iasa sa amin lahat, dahil lang sa palagi syang pagod galing sa trabaho. Pinipilit ko syang intindihin pero wala, hindi ko maiwasang mairita. Alam naman nila na napakasensitive ko, madali talaga akong mairita at umiyak kapag pinaiyak nila ako. Iniwanan nya ako sa baba ng hindi pinapatay lahat ng ginamit nya, computer, electric fan, lahat! Ako yung pinagpatay nya kasi maaga pa daw sya bukas. Is that an excuse? Kung maaga pa sya bukas, bakit pa sya nagcomputer? And she knows na ayoko talagang naiiwanan sa baba dahil matatakutin ako. She really provoked me last night. We ran upstairs and I swore I'll never turn off the appliances she used. Pero nagmatigas sya, tinulugan nya ko. SHE KNOWS HOW UPSET I GOT THAT TIME. She even laughed at me which is, nakakairita talaga. And to my deep anger, pinalitan ko yung code ng phone nya and tinago ko yung earphones nya because I knew mahalaga sa kanya yun. Ewan, for me, I just did it to give her a lesson. A lesson I really wished I could give for a very long time. Ayoko din naman syang tadyakan o sabunutan even if gusto ko talagang gawin, kasi alam kong papagalitan ako at pabababain kami pareho. Basta. Nagpuyat na lang ako kasi wala na din naman akong choice.
The next morning, hinampas nya ko ng adaptor. Lahat ng pwedeng ibato sakin binato nya na. And there I was, pretending that it was painless. I admit, it was really painful pero I didn't mind the pain because I am having fun watching her being incredibly mad. Tapos ayun, bumalik sa kanya lahat ng inis ko kagabi. I'm thinking of the karma I'll get that time. And after some hours, I finally knew it.
My mom got really upset with me for doing it. Sabi nya tamad daw ako, na konting patay na lang daw sa mga appliances di ko pa magawa. Tinotolerate nila si ate. Naiintindihan nila si ate sa mga kabalastugang ginagawa nya pero ako hindi. Sa akin nila sinisisi. Yung closeness namin ng nanay ko for the past weeks eh naglaho dahil sa simpleng kaartihan ng ate ko. Umiyak pa daw sya dahil lang sa earphones, ang laki laki daw na gulo yung ginawa ko. Ewan.
Naiinis ako. While taking a bath, I force myself to hold my tears even just for a moment but I did not know what happened because my tears keep flowing down. Random thoughts and dramas flashbacks to my brain and every painful word that enters makes my heart ache too hard.
When I read some books, my mom became kind at me again so I became happy also. I don't know, being moody is too hard. Then pagbaba namin, inopen nya na naman yung topic tungkol sa earphones na yan kaya nagalit si daddy and ang dami nyang pinagsasabi na masasakit. Kesyo ang tamad tamad ko daw. Kung hindi daw ako marunong sumunod sa mga utos nilang tatlo, lumayas na daw ako. It is too hard to hear those words. Anak niya pinapalayas nya. Palibhasa wala naman syang pakialam kung mapawalay man sya sa mga anak nya. Gawain nya kasi layasan yung mga pamilya na binubuo nya. Palibhasa napakamanhid nya, hindi man lang nya naappreciate lahat ng ginagawa kong mabuti para lang masatisfy sila and para maging proud sila sakin. Wala naman syang pakialam don. Sasabihin nyang mahal nya ako tapos bigla nya na lang akong papalayasin. Ewan. Nakakainis. Tagos sa puso yun. I can't really stand his attitude. Iniiisip ko na lang na tatay ko sya kaya kailangan ko syang mahalin, even though hindi man lang nya maisip minsan na anak nya ako kaya kailangan nya akong intindihin.Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero wala akong magawa, tumalikod na lang ako at tahimik na umiiyak.
Ewan ko, ang weird nya. Palagi nya na lang akong sinisisi. Sinisisi nya ako sa malaking kuryente namin. Kesyo daw computer daw ako ng computer at bukas ng bukas ng tv kahit hindi naman ako nanonood. Eh sya nga eh, magbubukas ng aircon buong araw tapos bubuksan din lahat ng electric fan pati pintuan at bintana. Sinisisi nya ako kasi ang tamad tamad ko daw, pero sya naman yung tambak ng tambak ng hugasin kung saan saaan at kalat ng kalat sa bahay kasi alam naman nyang may uutusan sya at may karapatan syang manermon dahil anak lang nya ako. Napakasuwail ko daw, at wala na daw akong mapapala sa buhay ko. Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit ganyan nya ako pagsalitaan. Kaya minsan hindi ko masisi yung sarili ko kung bakit nasasagot ko na lang sya unti-unti at palagi na lang akong nakabusangot tuwing kakausapin sya. Naiirita ako ng bongga. Naiinis ako kasi palagi na lang akong sinisisi tuwing ginagawa ko yung best ko para maging ayos yung lahat.
Gusto ko silang yakapin at sabihin kung gaano ko sila kamahal pero wala silang time para don dahil buong oras nila eh nilalaan nila sa panenermon at pagaaksaya/paguutos.
No comments:
Post a Comment