Thursday, October 15, 2015

6:27PM

Kasalukuyang nage-8tracks after ng mahabang panahon.

‘Di ko alam kung ano bang nararamdaman ko ngayon. Blanko, isa na ‘yun. Bukod sa wala lang akong ginawa ngayong araw kundi magbasa ng blog ni Maine at gayahin yung isa sa mga posts nya (50 random things baybe!) at magworry na unti unti nang nasasayang yung oras ko kakatunganga sa bahay, nagpapalamon lang ako sa stress ngayon tungkol sa future ko.

Hindi ko alam kung pipilitin ko ba yung sarili kong maniwala na okay lang na hindi ako sure sa future ko, o iisipin ko na ding stupid ako dahil ‘yun naman talaga yung iisipin ng iba pag nalaman nilang wala pa akong kaplano plano.

Gustong gusto ko magplano, sa totoo lang. Pero gulong gulo na ako. Ito itsura ng utak ko ngayon:






Una, alam nyo naman siguro kung gaano ko kagusto mag-UST dati. Ilang buwan ko ba inisip ang UST at ilang buwan akong halos di makatulog kakaisip ng paraan para lang matuloy ang UST dreams ko. Sa katunayan, taliwas sa inaakala ng iba na ‘di ko naman sobrang pinagsisikapan itong pangarap na’to, sobrang affected talaga ako. Para sa akin ginawa ko na yung lahat (except sa pagpunta sa site ng ofad habang nasa tour ako, kung kailan sila nagpost ng additional lists ng pasok sa AB at kung kailan sila nagbigay ng apat na chances para sakin). Tinry ko talagang lumabas sa comfort zone ko, which includes calling over the telephone at hindi mabaliw habang may kausap na lalaki (na mukhang pogi dahil pogi yung boses) at makipagusap sa dean.

Pero ngayon, naiisip ko, bakit kailangan kong danasin ‘to? Bakit hindi na lang maging smooth ang lahat? Bakit kailangan kong magpabalik balik sa t*nginang UST at hindi makatulog kakaisip kung makakapagUST ba talaga ako? Bakit sobrang labo? Worth it ba talaga na paghirapan ko ‘tong thomasian dreams ko? Eh ayon sa obserbasyon ko mukhang magiging masaya pa din ako kahit sa ibang school ako magaral at kahit mapunta pa ko sa public na may nakakadiring CR at kulang kulang na classroom (Tamaan ka, CvSU!)

Pinipilit kong isipin na kailangan ko grumaduate sa UST dahil kapag UST graduate ako, madali akong makakapagapply sa mga trabaho. Pero ang totoo nyan, alam ko sa sarili kong gumagawa lang ako ng dahilan para makapag-UST. Alam kong wala naman sa school yan (though malaki pa ding factor yung school) kundi nasa studyante yan. Karamihan ng kilala kong psych graduates sa uste hindi naman din matagumpay na psychologists. Yung iba call center din ang bagsak, o kaya guidance counsilor, o kaya teacher. Sa totoo lang, gusto ko lang talaga maging part ng thomasian community at makapagsuot ng uniform nila at maging part ng mga events tulad ng paskuhan at kung ano ano pang kaekekan. Gusto ko lang maging thomasian, pero after the college part, hindi ako sure kung worth it pa din ba yung paghihirap ko, at syempre ng magulang ko.

May malaki akong feeling na pag nag-ust ako, hindi ako mage-excel. Sa kasalukuyan, yung self esteem ko talaga eh kasing liit lang ng mga butil ng dog food ni Zoe (haha, oa!) at may feeling ako na pag inilagay ako sa isang environment na puno ng rich kids at mga sosyalera-slash-naggagandahang babae in my age, malaki yung possibility na mainsecure lang ako at isipin ko na shet, hindi ko sila kaya. Isa pa, UST yun. Matatalino yung mga tao. Malaki yung feeling ko na magpapailalim lang ako sa mga anino ng mga matatalino kong kaklase at baka mawalan ako ng motivation na galingan kasi masyado nang magagaling yung mga kaklase ko.

Sa oras na ‘to, medyo angat ng gaunti yung desisyon kong wag mag-UST kahit andito na yung chance. Pwede na akong mag-ust dahil tumatanggap sila ng freshmen next year. Pwede ko nang maranasan yung freshmen walk. Pwede ko nang ideclare na thomasian ako, at magtour ng mga kaibigan sa loob ng UST at kumain sa dapitan at hanapin yung mga ka-omegle ko since last year. Magiging manila girl na ako, tapos makakarelate na ko sa mga traffic feels ng mga friends ko sa facebook. Madami akong matututunan tungkol sa tunay na buhay. Magagawa ko na yung ‘stepping out of my comfort zone’ dahil kahit mahirap, alam kong madami akong madidiscover at matututunan. (…na pwede ko ding magawa kung sa ibang school ako sa manila mag-aaral….diba..)

Labag lang talaga sakin igive up yung dream ko mag-ust. Naiisip ko na baka nakalimutan ko lang yung feels ko. Baka ayaw ko lang mahirapan. Baka magsisi ako. Baka magtuloy tuloy yung pagpa-public ko at bumaba yung tingin ko sa sarili ko.

Hindi ko na alam.

Alam kong pag pinakawalan ko yung chance na’to, mahihirapan na akong makapag-ust ever. Pero pagod na ko magtake ng risk. Pagod na pagod na kong tumaliwas ng daan na nakahain sa akin, dahil lang sa gusto kong maexperience. Kahit na experiencing it means sacrificing a lot of things.

Minsan gusto ko na lang ‘wag lumaban. Pabayaan na lang yung magulang ko sa kung saan nila ako gustong pag-aralin, kahit na sa pinaka-jologs na school. Baka kasi ‘yun din yung plan sakin ni Lord. Pagod na ko magplano para sa sarili ko dahil palaging mahirap yung gusto ko at in the end, hindi pa din ako masaya. Pagod na pagod lang. Madami lang akong nasayang para lang sa experience + lessons na iniisip kong nakuha ko pagkatapos ng lahat, pampalubag loob.

Ayaw kong mabulok sa CvSU, isa pa ‘yon. Although alam kong kaya kong magtiis sa CvSU, iniisip ko pa din na hindi ako para don. I deserve so much more. Natatakot lang ako na paano kung yung fate ko eh mabulok sa CvSU at hanggang doon na lang talaga ako kasi sobrang weak ko hindi ko mapaglaban yung sarili ko para sa mas mataas na school? Mga ganun.

Alam kong ang pag-aaral ay ginagawa para may matutunan ka. Wala sa school. Pero ang sad pa din at masakit kapag naisip mo na taga-CvSU ka na at suot suot mo na yung uniform ng CvSU samantalang yung mga dati mong kaklase at kaibigan, nakasuot ng uniform ng lasalle, tapos pag chineck mo yung pictures nila sa facebook nakabalandra yung masasaya nilang college life. Mabango. Maginhawa. Mahirap pero masaya.

Ako, mabantot, puno ng poot. Mahirap pero masaya. Pero mahirap.

Ganoon.

Si Lord na lang yung bahala. Gulong gulo siguro ako ngayon kasi hindi pa ko nagpipray ng maayos at hindi ko pa nasasabi sa Kanya lahat lahat.

Ayun lang naman.

No comments:

Post a Comment