Tinatamad akong magkwento kasi nabanggit ko na to kanina sa mcdo, pero feeling ko alam ko na kung bakit ganito na performance ko sa choir these days.
Feeling ko di na ko motivated. Di ko na mafeel yung inner fire, di tulad nung may iba pa kong pinagkakaabalahan nung 4th year palang. Feeling ko masyado akong nagchichill ngayong bakasyon, mas gusto kong tumunganga lang sa bahay at magalaga ng aso at manood ng madam bertud with my parents.
Hindi na ko motivated kasi halos lahat ng videos ng madz napanood ko na. Ang hirap ko na mainspire. Di na din ako eager hanapin yung magandang placement. Di na ko eager magvocalize para tumaas ng tumaas yung range ko. Tinatamad na ko. Di na ko nagaaral ng pyesa kasi wala lang, nakakapagod na siguro na puro tono na lang at hindi naman magkaisa yung choir sa dynamics. Hindi ko mafeel yung spirit ng choir kaya di na din ako namomotivate.
Di na ko namomotivate dahil hindi ako comfortable kay sir. Isa pa, feeling ko di effective yung sistema namin sa pagrerehearse. Inaantok ako madalas sa madaming pyesa. Bumabalik lang diwa ko pag torrevieja o tu mi barco o someone yung kakantahin. (alam ko may iba pa kong discovered fave pieces pero tinatamad na ko alalahanin)
Basta
Hindi na ko naiinspire kay sir. Dati sobrang hayok ako dahil di ko alam, may something na naguudyok sakin from my connection with sir. Ngayon di ako makaconnect ng maayos. Basta.
Inaantok na ko.
Ang daming dapat isipin. Inaantok na ko bye
No comments:
Post a Comment