Ayun lang.
Kaya minsan mas pipiliin ko pang magblog kesa lumabas ng bahay.
Atleast hindi basta basta mangiiwan itong blog na'to. Alam mong kaibigan mo talaga 'to, na kahit anong kalandian o kahit puro problema lang ilagay mo hindi sya magrereklamo. Hindi sya magiisip ng masama sa'yo. Log in ka lang ng log in, kinig ng music, blog. (Wait pramis wala akong pinapatamaan ah.)
Ngayon ko lang narealize na mukha na akong tanga.
Okay.
Seriouslyyy.
Mahirap yung dada ka ng dada tapos walang makikinig. As in kulang na lang mangisay ka sa harapan nila mapansin ka lang nila.
Nakakapanginit ng utak 'to ah.
Magiiba na ko ng url, soon. Para kasing ginagago ako nung url ko ngayon. Wala namang forever eh. (insert-dramatic-expression-here)
No comments:
Post a Comment