Everytime I close my eyes, I see you. De. Hahahahahahaha. Tupangina ang lantod. Narinig ko lang sa TV. Feel na feel ng tatay ko manood ng PBO omg.
Kaninang umaga, ang unang pumasok sa isip ko, "Omg Chloe gising ka na ngayong araw wala kang papakialaman hindi ka magpapaapekto hindi ka aasa wala kang pakialam mabobobo ka lang maghunosdili ka omg hindi mo nga pala alam ibig sabihin ng hunosdili" tapos tae paguwi ko kaninang hapon back to normal ulit.
Ang ganda na naman ng araw ko. Putek. Feeling ko mamalasin ako bukas.
Bale kaninang Values, feeling ko sasapian ako habang nagdadasal. As in bigla na lang sumakit ulo ko, feeling ko umiikot paligid ko, naninigas tuhod ko. E nung bata ako may napanood akong mga sapi sapi. Bago daw sila sinasapian, feeling nila naninigas kalahati ng katawan nila chuchuchu. As in tupa kung ano ano pumasok sa isip ko kanina, nagpray talaga ako ng taimtim kay Lord na sana maalis na yung engkanto sa katawan ko. Wtfff. Ang weird.
Tapos nung vacant, nauurat ako. Ang konti kasi ng scene ni Chen dun sa teaser ng mga exo. Okay yun lang yon.
Tinatamad ako nung English at Science. Antok na antok ako. Nababaliw din ako nung mga oras na 'yon kasi bigla na lang ako nakaramdam ng depression. Hindi ko alam kung bakit. Bigla akong nalungkot nang wala sa oras. Weirddd.
Tapos nung hapon ayos na ulit. Ang moody ko no? Tupa.
Anyway, alam mo yung moment na napadaan yung tingin mo sa kanya tapos nakatingin din sya sayo? Okay. Shet 'yon. Paulit ulit akong tumili sa isip ko non. Wtfff. Malandi. Malandi. Malandi.
De, ang nagpagaan lang talaga ng loob ko ngayong araw eh si Cj.
Nakapagusap na kami.
Naks!
Ang dami ko kasing gustong ikwento sa kanya kaso yung nanay ko sulpot ng sulpot sa likod ko eh! Tae. Nagbabasa! Lipat tuloy ako ng lipat sa google.
Anyway, ngayon ko lang narealize na yung tinutukoy nya palang blog eh ito. Hahahahahahahahaha.
Hindi ko alam kung paano nya nalaman. Pero thank you lang talaga sa kung sino nagsabi non sa kanya. Walang halong sarcasm. Kasi noon feeling ko ang hideous kong tao. Buti ngayon naiintindihan na ng best friend ko. Naks. Naks naks.
Wait tae hindi pa ko nakakagawa nung sa English tsaka nung report namin sa TLE tsaka nung assignment sa Social. Tupanginaaaaaaaaaa rebolusyon na to.
No comments:
Post a Comment