
<- Ganitong tingin.
Feeling ko parehas kaming nao-awkward-an non. Hahaha. Binabasa nya kasi ng matagal yung hand out na binigay samin eh hindi naman yon nagrereview, I mean, magrereview lang yon kung may sinabi si Mam. Ewan. Hindi ko maexplain. Basta ang weird. Hindi pa naman kami naguusap masyado na tipong magoopen kami ng random convo sa isa't isa. Everytime na magsasalita ako, tatawa sya ng mahina. Basta ganon.
Isa pa sa pinakaOA na coincidence eh yung bawal lumipat ng upuan. Si Nell kasi nung 1st grading, palaging nalipat sa likod. Ewan ko. Hindi ata sila close ni Nolin tsaka ni Coleen. Basta. Eh ngayon, bawal lumipat or else mamaminus-an ka. Ayon lang. Hindi ko maimagine kung anong mangyayari sa buong grading.
Anyway, kagroup ko si Edzel sa TLE. Hindi pa kami nakakapagusap don sa mga pinapadala ni Mam, kaya right before magTLE, pagkatapos ng Math, dun lang kami nagusap. Nagmamadali na kami non kasi baka malate kami kay Mam Miranda. Natataranta na si Edzel kung sino bibili ng manila paper namen. Sabi ko "Huy chill ka lang. Ako na bibili ng manila paper." Bibigay na sana sakin ni Edzel yung pera kaso nagiba sya ng pinuntahan. Pumunta sya kay Nell. Sabi nya "Uy Nell bili mo nga si Chloe ng manila paper" chu chu chu. Kinuha ni Nell yung pera tapos may sinabi pa sya kay Edzel. Nanlaki mata ko. Tae. Wow ha. Tapos sabi ko sa kanila "Uy hindi! Ako na bibili!" Ayaw nila akong pakinggan. Umalis na sila tapos ako nagaayos pa ng gamit. Tapos dun lang sakin sinabi ni Coleen na meron na pala si Icaza na manila paper. De hinayaan ko na lang.
Pumunta pa din kami ng canteen kasi sasamahan pa namin si Pam na bumili nung envelope nila (Sabi ko naman kasi ako na bibili kasi pupunta din naman ako canteen eh. Edzel talaga! haha) Tapos pagdating namin canteen, palabas na sila Nell. Nagulaaat ako. Binigay nya samin yung manila paper. Tengene. Nakangiti sya non tapos basta di ko madescribe hasflkfhqasnl/acvnachonfafcajsflcnlcojbzxc. Nagthank you na lang ako. Then hiningi na lang ni Pam yung manila paper na binili nila kesa naman masayang hahaha.
Actually, natutuwa lang ako nung time na yon kasi sya pa talaga bumili para sakin. Okay ang halay nung line na yon. Para sakin. Tengene hahaha. Basta.
Anyway hindi ako nageexpect ng kung ano man. Wala naman kasi talaga akong pakialam kay Nell eh, kung anong gawin nya o kaya kung anong pakita nya. Okay. I admit, crush ko sya. Pero yung pagiging "crush" na yon doesn't mean na gusto ko maging kami. Simpleng crush lang yon. Hindi ako umaasa sa kanya. Wala din sa mga balak ko yung landiin sya. I just want things to flow naturally. Mas pahahalagahan ko yung friendship namin as classmates kesa sa mga love love na yan.
Ang crush ko kasi eh si Chen. Kung hindi si Chen, si Phillip Phillips. That's why people don't have to call me a bitch. Take a look into the mirror before judging someone else. The thing is, wala akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao. If I like someone, no one can stop me. If I enjoy blogging, then people should not interfere with these kind of things. You can't just call a person a "bitch" just because you like the same person. Especially, kung hindi kayo.
Just a piece of advice :)
Don't let anger rule your soul dear.
No comments:
Post a Comment