Friday, September 14, 2012

Kanina pa ako nakatitig dito

Habang nakikinig sa music ni Ate Kat http://misskatrinarosesays.tumblr.com


Minsan napapatitig na lang ako sa mga matatandang nakakasabay ko sa jeep. Somehow, they're extremely blessed by great memories and had spent their lives with beautiful smiles. Napapaisip ako kung ilan kaya sa kanila yung mga nakaabot na ng mga pangarap nila? Ilan kaya sa kanila ang nangarap makapunta sa Paris at nagulat na lang isang araw na natupad na pala yung pangarap nya pagkatapos ng lahat ng paghihirap na ginawa nya? Ilan kaya sa kanila ang nangarap na magkaroon ng magandang trabaho, yumaman at namuhay ng maginhawa sa bawat oras na tinatahak ng buhay nila? 

Ang bata ko pa pala.
Anytime pwede akong mamatay nang hindi ko pa nagagawa kung ano yung gusto kong gawin sa buhay. Anytime pwedeng maglaho lahat ng sarap sa buhay ko. Anytime pwedeng mawala ako, malayo sa mga pangarap ko. 

May mga oras pa din sa isang araw ko yung napapaisip ako, ano kayang mangyayari 10 years from now? Matutupad pa kaya mga pangarap ko?



Well I am definitely sure, every day is a chance. Everyday could be a step to reach your dreams. Did I make a difference today? Do I work enough? Am I going to reach those? 
I just believe in myself. I know I can do it. 
But for how long? 



God, be with me.

No comments:

Post a Comment