Hello. Totoo yon, nagiguilty talaga ako kasi hindi ko na binalikan yung Taal. Alam mo bang habang nasa bohol ako, medyo sumasakit puso ko sa sobrang guilty, kasi yung taal nasa taas, nagpapakahirap ng sobra, pero ako nasa baba lang kasama ng mga kaibigan nya. Hindi ko alam. Pero habang kasama ko sila Gen, nafeel ko yung saya na matagal na matagal ko nang hindi nafifeel. Hindi ko alam kung anong dapat kong piliin. Kung yung responsibilidad ko ba sa ibang tao o yung kung anong kailangan ko.
Actually kaya hindi ako tumutulong, kasi medyo naiintimidate ako kay madz. He he hehaoheaoeha ang plastik ko ba. De, hindi naman ako naiinis sa kanya, wala akong tampo. Pero naisip ko lang na siguro mas mabuting ileave ko na lang sa kanya. Kasi wala lang. Medyo nagbibida bida kasi sya, though hindi naman sya masama. Alam mo yung parang ang super nya magleader, tapos kung ano yung hindi nya kaya tsaka lang sya lalapit sayo. Pag binibigyan ko sya ng ideas, ayaw nya naman. Medyo nadala na din kasi ako sa noli pati sa tshirt. Parang super nastress ako sa noli ng sobra tapos nung bakasyon iniisip ko yung buwan ng wika tsaka tshirt pero mas inisip ko yung tshirt kasi medyo nabwisit ako kasi walang gustong maglakambini kaya naisip ko na wag na lang sumali sa muse muse na yan kasi ayokong gumastos tapos baka di naman manalo kasi nadala ako sa nutrition month ayoko din kasi mastress para sa wala kasi gusto ko kung sasali kami yung paghahandaan ng over over para sure na manalo para magbunga effort namin tapos ayaw ni madz kaya sya pa din nasunod pero okay lang sakin na sya nasunod don basta kakayanin nilang gawin yung damit nang tapos pinush nila yung muse tapos di na lang ako nangialam kasi ayaw ko nga maistress tsaka pagod na ako sa mga ganyan ganyan!!!! Basta ganon. Para kasing ang dami kong stress na nareceive noon kaya gusto ko magtake muna ng rests sa buong mundo hahaha gusto ko maexperience naman yung feeling na *basta nakakatamad idescribe* na matagal nang hinahanap ng puso ko char.
Pero ayon nga. Ang saya ko kanina pero hindi sya yung saya na basta masaya lang. Totoong feeling sya, ang deep nya. All this time feeling ko ang alone ko pero nung kasama ko na sila parang nafeel ko yung love, yung support, yung pagkakaroon ng real friends. Yung hindi ka iiwan or pagpapalit kahit ang tagal nyo nang di nagusap. Aaminin ko medyo hindi ko na mafeel ulit yung saya sa taal kasi secret basta. Pero mahal ko pa din sila kahit minsan ang alone sa feeling na parang ang boring na basta. Iba din kasi yung feeling kapag kasama ko sila Pam e. Parang nalalabas ko yung sarili ko, yung totoong ako. Though hindi naman kasalanan ng taal na hindi ko naeexpress yung sarili ko sa kanila. Totoo naman ako sa kanila, pero yung childish na maingay na mukhang ulo ulo na side ko sa dwegsters ko lang talaga nalalabas. Mahirap mawalay sa mga kaibigan mo okay. Lalo na ako na super tagal magopen up sa isang tao unless gumawa sya ng paraan mismo na maging comfortable ako sa kanya.
Kaninang umaga andon na eh, tumutulong na ko. Ewan nagenjoy ako dun sa mga sequence feeling ko gusto kong gumawa ng isang milyong ganon. Dapat din tutulungan ko sila sa payong, which is super gusto ko sanang gawin kasi gusto ko bumawi. Kaso nung nakita ko sila pam na umakyat pa all the way from 1st to 4th floor, wala lang. Namiss ko sila tapos parang alamoyon, hindi mo yon alam.
1st time ko masabihan ni Sir Tristan ng “good”. Dati napapatawa ko si sir tsaka yung iba tsaka nagagawa ko naman ng maayos pero hindi ako nasasatisfy kasi walang good, it means hindi ako nagiimprove. Pero kanina huhuhu. Yung feeling na medyo namamalat ka tapos super dry ng lalamunan mo tapos wala ka sa mood pero nagawa mo ng maayos yung pagvovocalize. Hi hi hi. Kaso dun sa kanta na, hindi ko makanta ng maayos. Wala nga sa mood yung lalamunan ko okay hahaha may ubo’t sipon pa ko.
Nakita ko yung kamukha ni D.O kanina. Medyo ilang beses. Pero wala akong nafeel, hindi din ako nakyutan. Medyo nauurat ako sa kanya kasi hindi sya namamansin tapos hindi din sya tumitingin. Buti pa yung ibang kachoir namin.
May kaclose akong bago sa choir. Mehehehe hindi ko alam pangalan nya. Pero mabait sya huhu.
Medyo nakakadisappoint sa part ko yung tinry mo yung best mo para icheer yung mga kaklase mo tipong mukha kang pabo don tili ng tili tapos pinagtitinginan tapos wala lang hindi naman nila narinig de parang di din ako nakabawi ok.
Nakakaiyak ang dami kong arti.
Kahit na hindi ako nagmanage sa buwan ng wika, naiistress pa din ako. Dahil nga don sa nawala okay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tsaka sa fieldltrip!!!!!!! Kinakabahan ako ayoko ng heights tinatakot pa nila ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Natatakot pa ko kasi baka nagtatampo sakin yung taal!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tapos di pa ko nakabawi!!!!!!!!! Tapos yung concert pa!!!! Tapos yung mga magbibirthday pa ngayong september!!!!!!!!!! Tapos yung pera ko unti unti nang nauubos!!!!!!!!!! Tapos nauntog pa ko kanina sa jeep nakakahiya ang lakas parang may nagsalpukang planeta huhuhu
Ok lang yan atleast nalaman kong 5’5 ako. At sakto weight ko sa height ko. At pwede na kong maging member ng girl group char feeling pretty
Nakakaloka.
No comments:
Post a Comment