Imbis na magreview, nanood lang ako ng movies kahapon. Actually dapat ang una kong panonoorin The Vow. Di ko lang matuloy tuloy kasi yung umpisa daming kissing scene hahaha, tapos baba ng baba yung ate ko. Awkward tuloy. Kaya Warm Bodies na lang muna. Totoo nga sabi ng mga kaklase ko, corny nga. Hahaha. Gwapo lang yung lalaki, pero corny. Pero ayos lang. May part don na super natamaan ako. Ayos lang din.
Sa The Vow, ewan. Ang tagal ko na syang gustong panoorin kaso natatakot ako kasi baka madaming kissing scene. Pero ang ganda. Actually tinatamad akong panoorin yung The Vow kasi akala ko nung una, pang mature na love story yon. Yun pala, ayos lang. Ewan. Umiyak ako don hahahaha parang timang. Nakakarelate kasi ako eh. I mean, hindi dahil sa in love din ako okay. Alam ko lang yung feeling na after all this time, biglang magbabago lahat. Yan din yung dinadamdam ko ngayong mga araw eh. Yung feeling na miss na miss mo sila, yung tipong gustong gusto mong bumalik lahat sa dati, pero wala kang magawa. Yung parang kinalimutan na nila yung mga memories nyo. Boom. Ang zaketz guys. Mukha talaga akong timang, pinagtatawanan ko sarili ko habang umiiyak kasi hindi ko alam. Yun yung iyak na hindi ko pinwersa. Bigla biglang lumabas. Tapos wala lang. Gusto din ni Chen yung movie na yon. Actually kaya lang ako nagkaroon ng interes panoorin yon dahil kay Chen. Sabi nya kasi kung magiging movie character sya, si Leo yung pipiliin nya. Ganon daw sya magmahal. Gusto nya mas mamahalin nya yung babae kesa sa pagmamahal na meron yung babae sa kanya. Basta. Gets nyo ba yon. Ang sweet diba. De, tsaka maganda din yung setting. Pramis. Ewan. Isa na sya sa pinakafavorite movies ko. Ang daming lights, ang ganda ng city. Ang ganda ng music. Ang ganda ng plot.
Ang ganda ni Rachel McAdams. Sana ganon na lang din ako kaganda. Pramis pag ganon ako kaganda araw araw akong lalabas ng bahay hahahaha tupa. Tapos ang galing nya umacting.
Gwapo ni Channing Tatum tupangina nya. Mas gwapo si Chen. Nerks harot!!!
At mapeh palang narereview ko.
Good luck sakin bukas.
No comments:
Post a Comment