Wednesday, August 7, 2013

8/6

Namimiss ko yung exo. Kahit na araw araw ko silang nakikita sa internet, kahit na palagi ko silang iniisip, nafifeel ko pa din na ang layo ko sa kanila. I mean, okay, malayo naman talaga ako. Both physically and kind of emotionally, kasi these days wala talaga akong mapaglabasan ng exo feels. Namimiss ko na yung dati. Namimiss ko na magfangirling. Feeling ko maski ako umalis na din sa fandom. Wala akong mapagsabihan ng feels, hindi ako makapaglandi. Grabe.

Nauurat ako. Ang lungkot ko ngayon. Super. Nagagalit, super nauurat, nanghihinayang, natatakot. All in one. Gusto ko na talagang umiyak. Alam mo yon. Kanina nga sa jeep palabas na yung luha ko eh. Kaso nakakahiya. Mukhang baliw. Naiisip ko kasi na wala, medyo walang pagasang maayos yung dula-dulaan. Nauurat ako sa mga kaklase ko. Nauurat ako sa mga hindi nagseseryoso. Nauurat ako kasi karamihan sa kanila hindi nageeffort magkabisado ng lines. Hindi nageeffort magpractice ng lines, tipong pag pinapractice ko sa kanila yung isang line kailangan ko pang maghingalo para lang matama yung tono, facial expression. Nauurat ako. Sobra sobra sobra. Nauurat ako kasi ayaw nilang makinig. Nauurat ako kasi sarili lang nila iniisip nila. Nauurat ako kasi sa thursday na yon pero parang wala lang sa kanila. Alis sila ng alis, galaw ng galaw, harot ng harot. Hindi mapractice yung isang scene kasi wala sila, nasa tindahan, gutom bawat minuto. Yung tupanginang feeling na ako nga hindi makapagbreak para lang tulungan sila pero sila tong tupanginang di nakikicooperate. Ang sakit alam mo yon. Naiistress na ko ng sobra sobra, totoo na talaga tong stress na to. Ang sakit sa lalamunan, alam mo yon, yung kapag urat na urat ka tapos super bigat sa lalamunan nung feelings mo. Gusto mo na umiyak kaso wala ka namang mapapala kung iiyak ka, magmumukha ka lang kahiya hiya. Gusto ko na sila sigawan pero hindi naman sila makikinig. Naaawa na ko sa sarili ko kahit isa to sa pinakaayaw kong nafifeel. Bakit kasi sila ganon? Ginawa ko na yung script, ginawa ko na lahat, nagisip na ko ng props, ng lines, tinuro ko na sa knaila yung mga kaekekan sa lines. Nagmakaawa na ko kay mam na sa thursday na lang kasi gusto kong gumanda yung play. Umasa ako na nung weekend may practice kahit isang whole day lang. Ayaw naman nila, magaaral daw sila. Dalawang araw, magaaral lang? Tupangina pwede namang magadjust diba? Tapos pinagbigyan ko sila kasi nga baka mahirapan sila or what kasi sabi nila kailangan daw talaga nila magaral. Tupa pagdating ng weekdays bawal pa din, magaaral daw sila. Di ka ba naman maurat urat. Nakakainis. Bawal magpractice, bawal gabihin. I mean, okay, sige. Intindihin ko na lang sila. Iniintindi ko na nga lang sila kasi ayaw kong maging sharpminded. Gusto ko lang naman magseryoso sila pag nagpapractice eh. Ayos lang kahit magaral sila, kahit mabawasan yung araw ng practice. Basta pag nagpractice na, gusto ko makicooperate sila. Alam mo ba yon!!!!!! Tupangina hindi ko malabas ang feels ko super dami naaabno na ko.

Taal bakit kayo ganyan :( Nakakadisappoint na nakakainis na nakakahurt sa part ko bilang president talaga. Feeling ko ang powerless ko. Ayaw nyong makinig. Ginagawa na nga lahat para sa inyo. Hindi nyo man lang maappreciate. Hindi man lang kayo mageffort :( Petiks pa din kayo ng petiks.

Feeling ko din kasi masasayang lang effort ko sa kanila e.

Ayoko kasi ng ganon talaga.

Ouch sakit sa lalamunan ang bigat bigat huhu

Bwiset drama hahahuhu

No comments:

Post a Comment