Wednesday, August 7, 2013

8/5

Ang ayaw ko kasi, yung kapag nagmamadali ka tapos lahat naman sila petiks lang. Alam mo yon. Nagpapakahirap ka para sa kanila, tinutulungan mo sila, na sayo lahat ng pressure, hindi ka pwedeng tumunganga, magbreak, kumain, uminom ng tubig, hindi ka pwedeng pumunta sa mga club meetings, ikaw lahat magoorganize, kapag di ka naginitiate walang mangyayari sa inyo. Tapos silang lahat, nakaasa lang sayo. Alam mo ba kung gaano nakakastress yon. Yung imbis na tumulong naman sila sayo, yung practice-in nila yung lines nila, yung magusap man lang sila sa props or sa kahit anong hindi pa settled - nakatunganga lang sila. Isa kasi yon sa pinakaayaw ko. Yung nakatunganga lang, naghihintay lang sayo, tapos kapag inasikaso mo sila nganga pa din sila. Walang mapakita. Buti sana kung magaling talaga magacting or what. Pero hindi eh. Kailangan mo pang paulit-ulitin. Ugh.

Okay. Ang igsi talaga ng pasensya ko. Ano ka ba chloe. Be openminded. Intindihin mo na lang sila. Wag ka padala sa stress mo.

Please, I’m willing to help you guys. I already exerted so much efforts, ginawa ko na yung script, tinutulungan ko na kayo sa mga tono, bilis, facial expressions. Gawin nyo na lang talaga. Pagpractice-an nyo na lang. Cooperate. Hindi naman kayo bubuhat ng mga sakong bigas para mahirapan kayo ng sobra sa pagkakabisado ng mga simpleng lines eh.

Too much stress.

No comments:

Post a Comment