Wednesday, August 7, 2013

8/2

Natutuwa ako, parang super relieved nako. Nawala stress ko dahil sa taal. Hindi ko alam. Natatawa din kasi ako kanina kasi ang cute ni janine at sanchez tapos natatawa ako sa mga kinaiinisan nilang lahat. Tapos ang close namin talaga kanina. Sana mas lalo pa kaming maging close.

 Ang pinakanakakatouched kasi, yung feeling na dinamdam ko ung asal ko kaninang Filipino kasi medyo ang taray ko kanina kasi nauurat ako kay samson tapos medyo nadamay na lang silang lahat kasi nga paulit ulit kami kasi nakitang nagpapractice labas ng labas si hans para sa puerto parang timang. Edi ayon. Tapos kinukuha pa ni dennis yung script. Tapos nauurat ako kay Mam. Tapos minsan kakapaulet ko sa kanila feeling ko naiinis sila sakin. Tsaka minsan feeling ko ang arte ko kasi gusto ko perfect na tono, nagiguilty na ko kasi kakapaulet ko sa kanila wala kaming matapos. Tapos nung sinabi ko sa kanila yon huhuhuhuhuhu sabi nila ayos lang daw tapos sabay sabay sila tapos sabi nila naiintindihan daw nila ako kasi stressed na daw ako nafifeel daw nila ako huhuhu TUPANGINA alam mo ba yon. Super natouched ako don tupa. Yung feeling na inaangat ka nila sa mga oras na nadadown ka. Tapos sabi nila gusto daw nila ako kasi ang galing kong leader. To be honest nagiguilty talaga ako kasi hindi ako magaling na leader, minsan baka madisappoint ko sila, minsan feeling ko kaya hindi kami nananalo kasi ako yung nagpipray tuwing may event, kasi mahilig ako sa cramming nadadamay ko sila medyo, kasi ang gulo ko sa mga announcements. Pero naappreciate pa din nila ako. ALAM MO BA KUNG GAANO NAKAKATOUCHED YON TUPANGINA.

Kahit naman may mga tao pa din na nakakaurat sa taal, kahit may mga hindi nageenjoy, masaya pa din ako kasi may mga nananatiling loyal sa taal. Sana ayon, hindi na sila maurat sa taal, welcome na welcome naman sila e. Natatouched nga ako sa mga kaklase ko kasi wala lang, sila yung nageeffort para makicope up (tama ba yung cope up omg). Hindi kasi ako ganon. Hindi ako hi ng hi, hindi ako nakiki-in palagi kasi wala lang. Kahit ganon ako pinapansin pa din nila ako.

Okay.

Kanina nadedepress ako kasi namimiss ko yung 2silver. Hindi naman dahil ayoko sa taal. Namimiss ko lang sina gen at pam. Pero ngayon, ayos lang. Kahit may kulang sa insides ko, unti unti pa ding pinapantayan talaga ng taal. And I’m thankful for that.

Thank You God for this wonderful day. Thank You for these wonderful people.

No comments:

Post a Comment